ISANG TUNAY NA DIYOS
Sino ba ang tunay na Dios? Ang mga Kristiyano maging ang mga unang lingkod ng Dios sa bayang Israel ay naniniwala sa iisang Dios (monotheistic ). Sa ating panahon ngayon na bumangon ang ibat ibang relihiyon at paniniwala, karamihan halos sa mga relihiyong ito ay taglay ang pagtuturo at paniniwala sa tinatawag na Trinity.
Ano ba ang paniniwalang ito?
Sa isang aklat na pinamagatang [The Faith of our Fathers, by James Cardinal Gibbons, Page 1]
"In this one God there are three distinct Persons - the Father, the Son, and the Holy Ghost, who are perfectly equal to each other."
Salin sa Filipino: “Sa isang Diyos na ito ay may tatlong magkakaibang Persona – ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, na perpektong magkakapantay sa isa’t-isa.”
Ayon sa aklat na isinulat ng isang cardinal ang isang Dios ay may tatlong magkakaibang persona na binubuo ng Ama , Anak at Espiritu Santo ,na may perpektong pagkakapantay-pantay.
Tanungin natin ang otoridad katoliko, kung ang trinity ay matatagpuan sa banal na kasulatan?  Sa isang aklat na pinamagatang [Systematic Theology, by Augustus Hopkins Strong, page. 304]
"The term 'Trinity' is not found in Scripture [Bible], ... The invention of the term is ascribed to Tertullian."
Salin sa Filipino:
“Ang terminong ‘Trinidad’ ay hindi matatagpuan sa kasulatan (Biblia), …ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na gawa ni Tertulliano.”
Ayon din sa kanila ang salitang trinity o trinidad ay hindi matatagpuan sa banal na kasulatan at ipinalagay na si tertullian pinanggalingan ng terminong trinidad .
Paano pa ipinaliwanag ng mga pari ang aral na Trinity? Naiintindahan kaya nila ang aral na ito?
"The trinity is a wonderful mystery. No one understands it. The most learned theologian, the holiest Pope, the greatest saint, all are as mystified by it as the child of seven " [Martin J. Scott, S.J., God and Myself, Nihil Obstat: Arthur J. Scanlan, S.T.D., Imprimatur: Joannes Cardinalis Farley, P.J. Kennedy and Sons, 1917, pp. 118-119].
Ayon sa kanila , ang aral ng Trinity ay isang misteryo, walang sinoman ang nakauunawa dito kahit ang mga nakapag-aral ng Biblia, mga santo maging ang mga papa lahat sila ay nahihiwagaan tulad ng isang batang pitong taong gulang.
Ang Iglesia ni Cristo ay hindi kailanman tatanggapin ang aral tungkol sa trinidad, sapagkat naniniwala ang Iglesia na ang ang Biblia lamang ang tanging batayan o saligan ng tao sa kanyang pananampalataya at paraan ng paglilingkod sa Dios. Kung wala sa Biblia ay hindi ito kikilalanin ng Iglesia.
Pag-aralan natin ang Biblia sino ba ang Dios at ilan ang itinuturo ng Banal na Kasulatan.
Sa panahon ng mga apostol sino at ilan ang itinuturo nilang Diyos:
1 Corinto 8:5 “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;”
1 Corinto 8:6 “Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”
Maliwanag ang turo ng mga apostol, mayroon lamang iisang Dios at yun ay ang Ama at isang panginoon ,si Jesucristo.
Kung ang ating panginoong Jesucristo ang tatanungin sino rin ang itinuturo niyang Diyos?
Juan, 17:1 - Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak
Juan, 17:3 - At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
Hindi kailanman sinabi o itinuro ng Panginoong Jesus na siya ang Dios, sa halip ay kanyang ipinakilala ang Ama ang kaisa - isang tunay na Dios.
 Kung sa panahon naman ng mga propeta ang ating tatanungin sino rin ang tunay na Diyos na kanilang itinuro?
Malakias, 2:10 - Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?
Ano rin ang ipinahayag ng unang lingkod ng Dios na si David tungkol sa tunay na Dios.
2 Samuel 7:22 “Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.”
Kung ating papansinin, ang mga nagpapatunay na iisa lang talaga ang Dios, ay magkakaiba ng panahon ang pinagmulan subalit iisa ang itinuturo nilang Dios ,at walang iba kundi ang Ama.
Kung ang Ama ang tatanungin, mayroon pa ba Syang kinikilalang ibang Diyos?
Isaias, 44:8 - "Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba."
Isaias 45:21 “Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.”
 Walang ibang Dios ang ipinakilala ng Ama, kundi sya lamang.
Subalit hindi lahat ng tao ay nakarating sa pagkakilala sa tunay na Dios?Na pinatunayan rin nalg banal na kasulatan:
" 1 Mga Taga-Corinto, 8:6 - Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.
1 Mga Taga-Corinto, 8:7 - Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa."
Ito ang ilan sa mga katotohanan na sinasampalatayanan sa loob ng Iglesia ni Cristo at walang sawa na ipinangangaral sa mga tao sa pamamagitan ng mga malalaking pamamahayag ng mga salita ng Dios.
THANKS FOR READING...
Psalms 40:10 "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Good News Bible]......... To know more about the Iglesia ni Cristo please visit our official websites; http://incmedia.org/_ http://iglesianicristo.net/_ http://iglesianicristo.net/inctv/_ http://iglesianicristo.net/incradio/_ http://iglesianicristo.net/kabayankokapatidko/
Thursday, May 14, 2015
Isang Tunay na Dios
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mga Awit, 40:9 - Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman.
ReplyDeleteMga Awit, 40:10 - Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.