Ang Paglililngkod na Itinakda ng Dios

Pananagutan ng tao ang paglingkuran ang Dios , bilang siya ang ating manlalalang, gaya ng nakasulat sa banal na kasulatan.
Mga Awit, 100:2 - Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan
Mga Awit, 100:3 - Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
Subalit nagkaroon ng maling pagkaunawa ang ilan, tungkol sa ipanahayag ng Biblia na pananagutang ito ng tao, sapagkat ayon sa kanila hindi na mahalaga kung aling relihiyon o Iglesia ang kinaaniban ng tao sapagkat iisa lang naman daw ang Dios na ating pinaglilingkuran at ang mahalaga daw ay makapag-lingkod ang tao sa Dios. Totoo nga ba ang ganitong isipan ?
Kumuha tayo ng halimbawa ng mga naglingkod sa Dios noong unang panahon, na hindi kinalugdan ng Dios.
Genesis, 4:3Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog sa Panginoon ng ani niya sa bukid.
Genesis4:4 Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Ang Panginoon ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog,
Genesis4: 5 ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.
Dapat nating mapansin na katutubong pananagutan na ng tao ang maglingkod sa Dios, katunayan si Abel at si Cain na anak nila Eba at Adan ay parehong naglingkod sa Dios noon,ngunit kapansin pansin na yung paglilingkod na ginawa ni Abel ang siya lamang na kinalugdan ng Dios samantalang ang ginawang paglilingkod ni Cain ay hindi kinalugdan ng Dios. Kaya pinatutunayan ng Biblia na hindi lahat ng paglilingkod ng tao ay tinatanggap ng Dios.
Ang Dios ay may palatuntunan sa mga isinasagawang paglilingkod ng tao sa kanya, basahin natin ang nakasulat sa Banal na kasulatan .
Deuteronomio, 12:13 - Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita:
Deuteronomio, 12:14 - Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.
Ayon sa talata ng Biblia, pinatutunayang sa simula pa lang ay may patakaran na ang Dios kung paano siya paglilingkuran, at iyon ay marapat lang na sundin ng tao sapagkat ang Dios ang ating pinaglilingkuran at siya rin ang dapat na masunod. Hindi maari na tayong mga tao ang masunod sa paraan ng ating paglilingkod.
Ano rin ang patotoo ng Biblia sa panahong ng mga apostol na patungkol sa mga paglilingkod ng tao na hindi sang-ayon sa mga aral ng Dios at aling aral ang kanilang sinusunod?
Mateo, 15:9 - Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
Tiniyak ng banal na kasulatan na hindi lahat ng pagsamba na ipinapatungkol ng tao sa Dios ay tinatanggap nya, at iyon ay kung ito ay nakabatay lang sa aral ng mga tao.
Paano ipinaliwanag ng Biblia kung bakit hindi nakasusunod ang tao sa tamang paglilingkod sa ating Panginoong Dios? 
Mga Taga-Roma, 10:2 - Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
Mga Taga-Roma, 10:3 - Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
Ayon sa ipinahayag ng Biblia ang tao ay totoong may pagmamalasakit sa gawang paglilingkod subalit sa hindi nila pagkaalam ng katwiran ng Dios at nagsumikap na masunod ang kanilang sariling kaparaanan ay hindi sila nagpasakop sa katwiran ng Dios.
Alamin natin, ano ba ang ipinag-uutos ng Dios sa tao upang maging kalugod lugod sa harap ng DIOS ang ating paglilingkod,ganito ang nakasulat sa banal na kasulatan ating basahing muli ang Awit 100:2 -4.
Mga Awit, 100:2 - Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan
Mga Awit, 100:3 - Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
Mga Awit, 100:4 - Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Ang sabi ng Dios ay dapat tayong magsipasok sa kanyang mga pintuang daan at doon tayo ay magpasalamat at magpuri sa Kanyang pangalan.
Ano ang pintuang daan na tinutukoy ng Dios na dapat pasukan ng mga tao? Ating basahin ang isa pang talata na tumutukoy sa daan na kailangang pasukan ng tao.
Jeremias, 6:16 - Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa...
Ayon sa talata, ang daan na tinutukoy ng Diyos ay ang mabuting daan na ipinahahanap sa atin ng Dios upang doon ay magsipasok ang tao at makasumpong ng kapahingahan ang ating kaluluwa.
 Tanungin natin ang Biblia kung saan naroon ang mabuting daan ?
Juan, 14:6 - Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
Ang sabi ng ating Panginoong Hesukristo siya ang daan at katotohanan, samakatwid ang mabuting daan na kung saan ipinagutos ng Dios na dapat pasukan ng tao ay walang iba kundi ang atin mismong Panginoong Jesus, siya ang mabuting daan sapagkat ang sabi ng talata, siya ang tanging daan upang ang tao ay makarating sa piling ng Dios.
Ano rin ang ipinag uutos ng Panginoong Jesus sa mga tao upang ang tao ay maligtas.
Juan, 10:7 - Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
Juan, 10:9 - Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.
Ang sabi ng Panginoong Hesukristo na Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. At ang mga tunay na sumusunod sa Kaniya ay pumasok sa Kaniya. Subalit alam nating hindi literal ang kahulugan nun sapagkat hindi naman magkakasya sa literal na katawan ni Cristo ang mga tupa. Isa pa, nasa langit na si Cristo. Kaya ang tanong, saan pala napaloob ang mga tupang pumasok kay Jesus ? Ganito ang sagot sa isang salin ng Biblia sa parehong talata
"I am the door, anyone who comes into the fold through me shall be safe." john 10:9 , New English Bible
sa filipino:
"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas"
Ang mga pumasok kay Jesus ay napaloob sa KAWAN NG MGA TUPA. Ang KAWAN ayon kay Apostol pablo ay ang Iglesia Ni Cristo: at ito ay nakasulat sa Gawa 20:28 ; sa salin ni Ginoong George Lamsa.
Gawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"
[ Lamsa Translation]
Paano pinatunayan ng Biblia na kalooban Mismo ng Dios ang pagpasok sa kawan na walang iba kundi ang Iglesia ni Cristo na syang tinubos ng dugo ng ating Panginoong Jesus.
Mga Taga-Efeso, 1:9 - Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.
Mga Taga-Efeso, 1:10 - Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,
Mga Taga-Efeso, 1:22 - At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,
Mga Taga-Efeso, 1:23 - Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.
Ang sabi ng Biblia , ipinasya mismo ng Dios na ang lahat ng mga bagay sa sangkalangitan ay tipunin sa Iglesia at si Cristo na pinagkaloobang niyang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesia na kanyang katawan.
Ito ang mga katotohanang patuloy na itinataguyod sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Posted via Blogaway
Psalms 40:10 "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Good News Bible]......... To know more about the Iglesia ni Cristo please visit our official websites; http://incmedia.org/_ http://iglesianicristo.net/_ http://iglesianicristo.net/inctv/_ http://iglesianicristo.net/incradio/_ http://iglesianicristo.net/kabayankokapatidko/
Saturday, May 16, 2015
Ang Paglilingkod na itinakda ng Diyos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment