Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?
Madalas na gawing biro sa akin ng mga kaibigan ko at ng mga katrabaho ko ang pagiging kaanib ko sa Iglesia ni Cristo, sapagkat talagang kaiba sa kanilang paniniwala ang mga aral na aming sinusunod. Ang isa na rito ay ang hindi ko pagkain ng dinuguan sapagkat ito ay ipinagbabawal na kainin ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo.
Minsan tinanong na din ako ng isang malapit kung kamag-anak kung bakit ipinagbabawal na kainin sa Iglesia ni Cristo ang Dugo. Sinabi ko sa kanya na ipinagbabawal yun ng Dios at iyon ay nakasulat sa bibliya, ipinaliwanag ko din kung ano ba talaga ang kahalagahan ng dugo, subalit sa halip na sana'y positibong pagtanggap nya rito ay pagtutol ang narinig ko sa kanya na tila nainis pa sa naging sagot ko. Hindi ba dapat ay maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang nakasulat sa bibliya, sapagkat sino ba naman ang tututol sa mga aral na nakasulat sa banal na kasulatan?
Minsan pa nga ay may nagsasabi sa akin sa tuwing tinutukso ako tungkol dito, kung bakit naman daw may kakilala silang kaanib sa iglesia na kumakain ng dinuguan? Ang laging sagot ko naman sa kanila , ay hindi naman ako yun o iba ako sa kanila, sapagkat ang mga ganoong uri ng kaanib sa iglesia ay hindi lubos na sumampalataya sa aral. Kaya sa tuwing ito ang nagiging usapan madalas na napapangiti na lang ako na tila sinasangayunan lang sila, subalit ang totoo ay nalulungkot ako, hindi dahil sa mga biro nila sa akin, kundi nalulungkot ako para sa kanila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa at ang buong katotohanan, na kung nalalaman lang sana nila ay hindi nila gagawing biro ito at sa halip ay kanila rin itong sundin. Kaya nais kung ibahagi sa inyo kung bakit ba ipinagbabawal ang pagkain ng dugo?
Ganito po ang itinuturo ng Bibliya;
“Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. 23Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.24Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. ” (Deut.12:22-24)
(Lev.17:13“At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa.
Ang dugo ay ipinagbabawal ng Dios na kainin ng tao sapagkat ang dugo ay siyang buhay at hindi dapat kainin , binanggit din sa mga talata ng Bibliya kung ano ang dapat na gawin sa dugo , ang sabi ay ibuhos at tabunan sa lupa na parang tubig. Bakit po kaya ganito ang ipinagagawa sa dugo? Para saan po ba itinalaga ng Dios ang dugo?
Lev. 17: 11 Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.
Ang buhay ay nasa dugo kaya ito itinalaga ng Diyos bilang pangtubos ng kasalanan kaya katulad ng ginagawa noon ng bayang Israel na paghahandog sa dugo ng mga hayop upang linisin ang kanilang kasalanan ay dugo rin ang ipinangtubos ng Panginoong Jesucristo sa ating mga kasalanan;
“Sapagka’t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihahandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?” (Heb.9:13-14)
Kaya ano ang pagtuturing ng Diyos sa mga taong lumalabag sa aral na ito ?
“Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man.[Lev. 17:10,MB]
Kapopootan ng Dios ang sinumang kumain ng Dugo at ihihiwalay sa kanyang bayan,kaya hindi dapat masumpungan ang sinuman lalo na ang mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo sa pagkain ng dugo dahil bilang bayan ng Dios ang mga miyembro nito ang dapat na unang sumunod sa utos na ito. Subalit baka sabihin ng Iba ay sa panahon lang ng Israel ipinaguutos ang pagbabawal sa pagkain ng dugo? Ano rin ba ang itinuro ng mga apostol sa panahong Kristiyano tungkol dito?
Mga Gawa 21:25 (RTPV05)
Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasya. Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.”
Ito po ang katotohanan tungkol sa pagbabawal ng pagkain ng dugo mula pa sa panahon ng mga unang lingkod ng Dios at kahit pa sa panahon natin ngayon itinuro ito sa atin sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga apostol .
Kaya ang pagbabawal po sa pagkain ng dinuguan ay hindi po gawa gawang aral lamang ng Iglesia ni Cristo sapagkat ito ay nakasulat sa Bibliya.
Ang isa pa na ipinangtutukso sa akin ay hindi ko pag-inom ng alak. Ang totoo halos lahat naman yata ay alam na hindi talaga marapat na masumpungan ang isang kristiyano sa paglalasing kaya lang ay hindi ito masyadong nabibigyan ng importansya ng ilan na ito naman ang binibigyang halaga sa loob ng Iglesia ni Cristo bilang pagsunod sa utos ng Diyos sa lubos na pagbabagong buhay sapagkat ang paglalasing ay isang uri ng kalayawan na ginagawa ng mga taga sanlibutan at ito ang dapat na iwasan ng mga lingkod ng Diyos.
Naaalala ko pa nga noon, kapag uwian galing trabaho at nagkayayaan ng inuman ay hindi nila ako maisama sapagkat wala akong ibang sagot sa kanila kundi "bawal sa amin". Kung minsan ang idinadahilan nila ay pangtanggal daw ng pagod o stress ang kanilang ginagawa kaya nagpapakasaya sila sa paglalasing, pero nakakatawa lang isipin kasi pagdating ng kinabukasan , nariyang may iniindang sakit sa ulo dahil sa hangover at naghahanap ng mauutangan kasi naubos daw ang pera sa inuman , hindi naman nawala ang stress nila kundi nadagdagan pa nga yata. Alam naman ng lahat na wala talagang maidudulot na mabuti sa tao ang paglalasing. Ilang buhay na ba ang nawala, ilang pamilya at buhay na rin ang nasira ng dahil dito, at ito Hindi na isang bagong bagay sapagkat ipinagpauna na ito ng Bibliya ;
Ephesians 5:18 "At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;"
Kaya nga ipinag uutos ng mga apostol na layuan ang ganitong mga gawain sapagkat hindi lamang kaguluhan ang dulot nito kundi ito ay hindi rin ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan;
Mga Taga-Galacia 5:21 (MBB05)
pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
At iniutos na mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Dios upang wag tayong madamay sa mga hahatulan o parurusahan ng Dios.
(1 Pedro 4:2-5) 2"Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y sinisiraan nila,5 ngunit mananagot sila sa Diyos na hahatol sa mga buháy at sa mga patay. "
Ang tinutukoy na paghatol sa mga buhay at patay ay sa pagdating ng araw ng paghuhukom na ito rin ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo.
Dahil hindi ito alam ng marami, at sakaling ito ay kanilang malaman marapat lang na talikuran na nila ang kanilang maling gawain sapagkat kung kanya ng nalalaman ang kautusan at sinasadya pa rin nya ang paggawa ng kasalanan ay wala ng kapatawaran para sa kanyang kasalanan;
Hebreo, 10:26 - Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
Hebreo, 10:27 - Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway."
Ganito po ang kahihinatnan ng mga taong sa halip na tanggapin ang mga katotohanan ay ipinagwawalang bahala pa ang mga katotohanan na kanilang narinig.
Nais mo bang mag suri pa sa mga aral na nakasulat sa Bibliya?
Bisitahin ang official website ng Iglesia ni Cristo: www.incmedia.org o sumadya sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo sa inyong lugar.
Thanks...
Psalms 40:10 "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Good News Bible]......... To know more about the Iglesia ni Cristo please visit our official websites; http://incmedia.org/_ http://iglesianicristo.net/_ http://iglesianicristo.net/inctv/_ http://iglesianicristo.net/incradio/_ http://iglesianicristo.net/kabayankokapatidko/
Saturday, November 28, 2015
Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No Deposit Bonus, Free Chips, Slots & Games from Real Money Casinos
ReplyDeleteThe no deposit bonuses 제천 출장마사지 in 당진 출장샵 these games can 평택 출장샵 be activated with free spins 정읍 출장안마 without having to deposit any money. They are very fun to play and give new players 부천 출장안마