Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?
Madalas na gawing biro sa akin ng mga kaibigan ko at ng mga katrabaho ko ang pagiging kaanib ko sa Iglesia ni Cristo, sapagkat talagang kaiba sa kanilang paniniwala ang mga aral na aming sinusunod. Ang isa na rito ay ang hindi ko pagkain ng dinuguan sapagkat ito ay ipinagbabawal na kainin ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo.
Minsan tinanong na din ako ng isang malapit kung kamag-anak kung bakit ipinagbabawal na kainin sa Iglesia ni Cristo ang Dugo. Sinabi ko sa kanya na ipinagbabawal yun ng Dios at iyon ay nakasulat sa bibliya, ipinaliwanag ko din kung ano ba talaga ang kahalagahan ng dugo, subalit sa halip na sana'y positibong pagtanggap nya rito ay pagtutol ang narinig ko sa kanya na tila nainis pa sa naging sagot ko. Hindi ba dapat ay maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang nakasulat sa bibliya, sapagkat sino ba naman ang tututol sa mga aral na nakasulat sa banal na kasulatan?
Minsan pa nga ay may nagsasabi sa akin sa tuwing tinutukso ako tungkol dito, kung bakit naman daw may kakilala silang kaanib sa iglesia na kumakain ng dinuguan? Ang laging sagot ko naman sa kanila , ay hindi naman ako yun o iba ako sa kanila, sapagkat ang mga ganoong uri ng kaanib sa iglesia ay hindi lubos na sumampalataya sa aral. Kaya sa tuwing ito ang nagiging usapan madalas na napapangiti na lang ako na tila sinasangayunan lang sila, subalit ang totoo ay nalulungkot ako, hindi dahil sa mga biro nila sa akin, kundi nalulungkot ako para sa kanila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa at ang buong katotohanan, na kung nalalaman lang sana nila ay hindi nila gagawing biro ito at sa halip ay kanila rin itong sundin. Kaya nais kung ibahagi sa inyo kung bakit ba ipinagbabawal ang pagkain ng dugo?
Ganito po ang itinuturo ng Bibliya;
“Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. 23Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.24Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. ” (Deut.12:22-24)
(Lev.17:13“At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa.
Ang dugo ay ipinagbabawal ng Dios na kainin ng tao sapagkat ang dugo ay siyang buhay at hindi dapat kainin , binanggit din sa mga talata ng Bibliya kung ano ang dapat na gawin sa dugo , ang sabi ay ibuhos at tabunan sa lupa na parang tubig. Bakit po kaya ganito ang ipinagagawa sa dugo? Para saan po ba itinalaga ng Dios ang dugo?
Lev. 17: 11 Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.
Ang buhay ay nasa dugo kaya ito itinalaga ng Diyos bilang pangtubos ng kasalanan kaya katulad ng ginagawa noon ng bayang Israel na paghahandog sa dugo ng mga hayop upang linisin ang kanilang kasalanan ay dugo rin ang ipinangtubos ng Panginoong Jesucristo sa ating mga kasalanan;
“Sapagka’t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihahandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?” (Heb.9:13-14)
Kaya ano ang pagtuturing ng Diyos sa mga taong lumalabag sa aral na ito ?
“Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man.[Lev. 17:10,MB]
Kapopootan ng Dios ang sinumang kumain ng Dugo at ihihiwalay sa kanyang bayan,kaya hindi dapat masumpungan ang sinuman lalo na ang mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo sa pagkain ng dugo dahil bilang bayan ng Dios ang mga miyembro nito ang dapat na unang sumunod sa utos na ito. Subalit baka sabihin ng Iba ay sa panahon lang ng Israel ipinaguutos ang pagbabawal sa pagkain ng dugo? Ano rin ba ang itinuro ng mga apostol sa panahong Kristiyano tungkol dito?
Mga Gawa 21:25 (RTPV05)
Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasya. Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.”
Ito po ang katotohanan tungkol sa pagbabawal ng pagkain ng dugo mula pa sa panahon ng mga unang lingkod ng Dios at kahit pa sa panahon natin ngayon itinuro ito sa atin sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga apostol .
Kaya ang pagbabawal po sa pagkain ng dinuguan ay hindi po gawa gawang aral lamang ng Iglesia ni Cristo sapagkat ito ay nakasulat sa Bibliya.
Ang isa pa na ipinangtutukso sa akin ay hindi ko pag-inom ng alak. Ang totoo halos lahat naman yata ay alam na hindi talaga marapat na masumpungan ang isang kristiyano sa paglalasing kaya lang ay hindi ito masyadong nabibigyan ng importansya ng ilan na ito naman ang binibigyang halaga sa loob ng Iglesia ni Cristo bilang pagsunod sa utos ng Diyos sa lubos na pagbabagong buhay sapagkat ang paglalasing ay isang uri ng kalayawan na ginagawa ng mga taga sanlibutan at ito ang dapat na iwasan ng mga lingkod ng Diyos.
Naaalala ko pa nga noon, kapag uwian galing trabaho at nagkayayaan ng inuman ay hindi nila ako maisama sapagkat wala akong ibang sagot sa kanila kundi "bawal sa amin". Kung minsan ang idinadahilan nila ay pangtanggal daw ng pagod o stress ang kanilang ginagawa kaya nagpapakasaya sila sa paglalasing, pero nakakatawa lang isipin kasi pagdating ng kinabukasan , nariyang may iniindang sakit sa ulo dahil sa hangover at naghahanap ng mauutangan kasi naubos daw ang pera sa inuman , hindi naman nawala ang stress nila kundi nadagdagan pa nga yata. Alam naman ng lahat na wala talagang maidudulot na mabuti sa tao ang paglalasing. Ilang buhay na ba ang nawala, ilang pamilya at buhay na rin ang nasira ng dahil dito, at ito Hindi na isang bagong bagay sapagkat ipinagpauna na ito ng Bibliya ;
Ephesians 5:18 "At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;"
Kaya nga ipinag uutos ng mga apostol na layuan ang ganitong mga gawain sapagkat hindi lamang kaguluhan ang dulot nito kundi ito ay hindi rin ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan;
Mga Taga-Galacia 5:21 (MBB05)
pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
At iniutos na mamuhay tayo ayon sa kalooban ng Dios upang wag tayong madamay sa mga hahatulan o parurusahan ng Dios.
(1 Pedro 4:2-5) 2"Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y sinisiraan nila,5 ngunit mananagot sila sa Diyos na hahatol sa mga buháy at sa mga patay. "
Ang tinutukoy na paghatol sa mga buhay at patay ay sa pagdating ng araw ng paghuhukom na ito rin ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo.
Dahil hindi ito alam ng marami, at sakaling ito ay kanilang malaman marapat lang na talikuran na nila ang kanilang maling gawain sapagkat kung kanya ng nalalaman ang kautusan at sinasadya pa rin nya ang paggawa ng kasalanan ay wala ng kapatawaran para sa kanyang kasalanan;
Hebreo, 10:26 - Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
Hebreo, 10:27 - Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway."
Ganito po ang kahihinatnan ng mga taong sa halip na tanggapin ang mga katotohanan ay ipinagwawalang bahala pa ang mga katotohanan na kanilang narinig.
Nais mo bang mag suri pa sa mga aral na nakasulat sa Bibliya?
Bisitahin ang official website ng Iglesia ni Cristo: www.incmedia.org o sumadya sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo sa inyong lugar.
Thanks...
Psalms 40:10 "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Good News Bible]......... To know more about the Iglesia ni Cristo please visit our official websites; http://incmedia.org/_ http://iglesianicristo.net/_ http://iglesianicristo.net/inctv/_ http://iglesianicristo.net/incradio/_ http://iglesianicristo.net/kabayankokapatidko/
Saturday, November 28, 2015
Dugo: Bakit Ipinagbabawal kainin?
Sunday, November 22, 2015
Ang Tamang Pagkilala sa Dios at kay Jesus
Ang Iglesia ni Cristo ay lubos na sumasampalataya sa pagtuturo ng panginoong Jesucristo at ng mga apostol na ang Ama, ang dakilang manlalalang at iisang tunay na Dios.(John 17:1,3; 1 Cor.8:6)
At lubos rin ang aming pagkilala sa panginoong Jesucristo bilang anak ng Diyos. Ang Diyos ay ginawa siyang panginoon at tagapagligtas. Siya ang tanging tagapamagitan sa tao at sa ating panginoong Diyos. Si Cristo ay pinadakila, pinaging banal at ipinag utos ng Dios na siya ay sambahin din, kaya po kaming mga Iglesia ni Cristo ay sumasamba sa ating panginoong Jesucristo, Hindi dahil siya ay Dios kundi iniutos rin ito para sa ikaluluwalhati ng Dios.(Matt.3:17; Acts 2:36; 5:31; 1 Tim. 2:5; John 10:36; 8:40; Acts 2:22; Fil. 2:9-11)
Subalit sa kabila ng mga katotohanang ito ng Banal na kasulatan ay may ilan pa rin na hindi tinatanggap ang aral na ito ng Iglesia sapagkat ang kanilang pinaka aral, si Cristo ay parehong Diyos at tao o si Cristo ang Diyos. Ang mga taong sumasamplataya sa ganitong paniniwala ay gumagamit din ng mga talata sa banal na kasulatan. Kaya atin po tukuyin ang kanilang mga talatang ginagamit at ginagawang basehan sa kanilang paniniwala.
Ang isa sa mga talatang ito ay nakasulat sa Juan 1:1; 14
Juan 1:1 "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
Paano po ba ang kanilang pag-unawa dito? Ayon sa kanila ang Panginoong Jesucristo ay umiiral na sa pasimula o bago pa lalangin ang sanlibutan. Yayamang si Cristo raw ang salita at ang salita raw ay Diyos, Kaya si Cristo raw ay Diyos na umiiral na sa pasimula pa lamang at pagkatapos ay nagkatawang tao. Ito ang nakapalaoob sa aral nila na Inkarnasyon o pagkakatawang tao ng Diyos.
Ano po ang dapat nating mapansin sa nilalaman ng juan 1:1 at 14? Una , hindi po tahasang tinukoy ng talata na si Cristo ang Diyos at ikalawa wala ring sinabi dito na si Cristo ay Diyos na nagkatawang tao. At kung ating sasang -ayunan ang kanilang pagkaunawa sa talata, lilitaw na sasalungat ito sa iba pang aral na nakasulat sa Bibliya sapagkat yung tinutukoy sa ikalawang sugnay na ang Verbo o Salita ay sumasa Dios at ayon daw sa Ikatlong sugnay ang salita ay ang Dios , samakatwid magkakaroon ng dalawang Dios, isang Dios na sumasa Dios. Subalit ito ay labag na sa itinuturo ng Bibliya sapagkat isa lamang ang tunay na Dios.
Kung ang Dios mismo ang ating tatanungin sino at ilan ang Dios na kanyang ipinakikilala?
Isaias, 43:10 - Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.
Isaias, 44:8 - Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.
Isa lang ang tunay na Dios at hindi na magkakaroon pa ng ibang Dios ayon na rin mismo sa ating panginoong Dios. Kaya tanungin natin kung sino rin ang Dios na itinuro ng mga unang lingkod ng Dios?
Malakias, 2:10 -" Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?"
1 Corinto 8:5-6 “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”
Juan, 17:1;3 - "Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."
Pansinin po natin ang lahat ng mga talata ay mula pa sa pahayag ng Ating Panginoong Dios , mga propeta, mga apostol, at ng ating Panginoong Jesucristo, lahat ay magkakatulad ang aral o turo kahit pa ito ay mula sa magkakaibang panahon sapagkat sa Bibliya po ay walang salungatan.
Kaya po suriin nating maiigi ang talata sa pamamagitan ng pagsangguni sa iba pang talata ng banal na kasulatan upang huwag tayong magkamali sa pag unawa nito, sapagkat hindi marapat na unawin natin ang mga kasulatan sa sarili nating pagka unawa lamang sapagkat ang evanghelio o mga salita ng Diyos na nakasulat sa BIbliya ay nakalihim sa Hiwaga;
Mga Taga-Roma, 16:25 - At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.
Kaya ang ilan ay binibigyan ng maling pakahulugan ang mga kasulatan at ayon sa bibliya ay ikapapahamak ng kanilang sarili;
2 Pedro 3:16 “Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi
niyang paalala. Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap
unawain, at BINIBIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisip . Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga
Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.” [ Magandang Balita,
Biblia]
Suriin na po natin ang unang sugnay;
"Nang pasimula siya ang Verbo"
Ito naman po ang pahayag ng Panginoong Jesucristo tungkol sa pasimula ng sanlibutan;
Juan, 17:24 - Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
Ayon sa ating panginoong Jesucristo siya ay inibig na ng Ama bago pa itatag ang sanlibutan o ng pasimula, dito pa lang sa pahayag ng Panginoong Jesucristo ay napakalinaw na iba ang Dios na umibig Kay Cristo o Iba ang Dios kay Cristo, subalit ang tanong ay kung umiiral o existing na ba ang ating Panginoong Jesucristo ng pasimula?
1 Pedro, 1:18 -20 "Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo,"
Ang panginoong Jesucristo ay naihayag sa mga huling araw na. Sa mga hindi po nakakaalam ang panahon ay nahahati sa tatlong Dispensasyon ayon sa Bibliya, ang una ay ang panahon ng mga magulang o patriyarka mula kay eba at adan hangggang sa panahon ni Moses , pangalawa ay ang panahon ng mga propeta mula sa panahon ni Moses hanggang sa panahon ng Panginoong Jesucristo at ang ikatatlong diepensasyon ay ang Huling panahon mula sa panahon ng ating panginoong Jesucristo hanggang sa Katapusan ng sanlibutan
Hebreo, 1:1-2 " Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;"
Samakatwid si Cristo ay itinalaga o isinalita palang ng Dios sa pasimula kaya si Cristo ay salita o nasa isip pa lamang na Dios. Ito rin ay sinasangayunan sa isang salin ng bibliya;
Ang “Ang Bagong Tipan ng Ating Mananakop at Panginoong Jesucristo” (Manila: Catholic Trade School, 1964 isinalin ni P. Juan T. Trinidad, S.J. mula sa Vulgata Latina.
Sa 1 Pedro 1:20:
“Nasa isip na Siya ng Dios bago pa lalangin ang daigdig, ngunit ipinakilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.”
subalit hindi po ito nanatili na isipan o plano ng Dios sapagkat dumating ang panahon ng ito ay ipinangako ng Dios sa kanyang mga unang lingkod;
Mga Taga-Roma, 1:2 -3 "Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,"
Ganito po natin dapat unawain ang unang sugnay na hindi sasalungat sa ibang katuruan ng Bibliya. Tukuyin naman natin ang ikalawang sugnay ;
"at ang Verbo ay sumasa Dios"
Atin po itong iugnay sa unang sugnay kung saan si Cristo ay isinalita o itinalaga sa pasimula at ang salita ay nagmula o sinalita ng Dios. Samakatwid iba po yung salita dun sa nagsasalita, Si Cristo ang salita na isinalita ng Dios kaya po ang sabi ay ang salita ay sumasa Dios sapagkat sa Dios nagmula ang salita, sa ganitong pagkaunawa ay hindi tayo sasalungat sa aral ng Bibliya na may isang tunay na Dios lamang na walang iba kundi ang Ama at maging si apostol Juan na sumulat nito ay hindi naman nya sasalunagtin ang kanyang sarili sapagkat sinasabi sa Juan, 17:1;3 na iisa lamang ang tunay na Dios at ito ay ang Ama at si Cristo ang sinugo.
Ang ikatlong sugnay:
"at ang Verbo ay Dios."
Dahil atin ng nalaman sa mga naunang sugnay na ang salita ay iba doon sa Dios na nagsalita nito, ano ang dapat na ating maging pag-unawa sa ikatlong sugnay?
Alamin po natin kung ano ang katangian ng salita ng Dios; Ang salita ng Dios ay makapangyarihan;
Lucas 1:37 "Sapagkat walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan."
Ano rin ang katangian o uri ng Panginoong Diyos na nagsalita?
Ganito ang kaniyang patotoo mismo;
Genesis 35:11 " At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na makapangyarihan sa lahat;...."
Samakatuwid, magkauri ang Diyos at ang kaniyang salita sapagkat taglay ng salita ang kapangyarihan ng Diyos na nagsalita. Kaya naman po sa ibang pagkakasalin ng bibliya ay ganito po ang sinasabi;
("the Logos was Divine" Mofatt Translation; "the word was Divine"-Goodspeed Translation)..
Ang dapat na salin ay "Ang logos ay banal" Dahil walang pantukoy na ''ang'' (sa Griyego, ho) ang terminong ''diyos'' (sa Griyego, Theos) sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1, ito ay ginamit bilang pang-uri (adjective) at hindi bilang pangngalan (noun). Hindi sinabi ni Apostol Juan na "ang salita ay ang Dios'' kundi "ang salita ay Dios". Ang katotohanang ito'y tinatanggap maging ng ibang mga nagsuri.
Sa aklat na The New Bible Dictionary, ganito ang sinasabi:
"Ang salita ay may kapangyarihang katulad ng sa Diyos na nagsalita nito." (page 703) Kaya, ginamit ang terminong "Diyos" sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1 (''at ang salita ay Dios'') hindi bilang isang pangalan (noun) kundi bilang pang-uri (adjective). Inuuri lamang ang salita o verbo ng Diyos. Kauri ng Diyos ang kaniyang salita sa kapangyarihan kaya sinabing ''ang salita ay Diyos'' .
Mabuti pa't tayo ay magbigay ng halimbawa ng mga salitang ginamitan ng pang-uri (adjective).
1. Time is Gold
Sa naturang pangungusap ang salitang ''Gold'' ay isang adjective. Inuri nya ang Time bilang isang mahalagang Bato, na kasing halaga ng Gold. Maliwanag na hindi literal na Gold ang pakahulagan sa naturang pangungusap, ganyan din ang sa ikatlong sugnay na "at Ang salita ay Diyos" Samakatuwid, magkauri ang Diyos at ang kaniyang salita sapagkat taglay ng salita ng Diyos ang kapangyarihan ng Diyos na nagsalita, At Kapag sinalita ng Diyos ay tiyak na matutupad;
Isaias 46:11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
John 1:14 - "At nagkatawang-tao ang Verbo,..."
Pinaniniwalang si Cristo ay Dios na nagkatawang tao, dahil sa sinasabi ng talatang Juan 1:14. Ayon sa kanilang paniniwala, si Jesucristo ay may dalawang likas na kalagayan; isang totoong tao at isang totoong Dios. Ang ganitong paniniwala ay isang malaking pagkakamali, una sa lahat ay hindi sinabi ng talata na ang Dios ay nagkatawang tao kundi ang Verboo ang salita at ito ay si Cristo na pasimula ay isinalita ng Dios. Samakatuwid ay natupad ang salita ng Diyos o pangako ng Diyos na magkakaroon ng Cristo ng ito ay isakatuparan sa pamamagitan ng pagkasangkapan kay Maria:
Mateo 1:18,20 " Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ...Datapuwa't samantalang pinag-iisip niya ito, narito ang isang anghel ng panginoon ay nagpakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang tao ay sa Espiritu Santo."
Ang Diyos ba na nagsalita o ang kinaroroonan ng salita ang nagkatawang-tao gaya ng ibinibigay na pakahulugan ng iba? Hindi po. Sapagkat ang nakasulat sa Juan 1:14 ay maliwanag: na " nagkatawang-tao ang salita (NPV) Walang sinabi sa talata na ang Diyos na nagsalita ang nagkatawang tao!. Kaya sa King James Version ang pagkakasalin ay ganito ;
" and the word was made Flesh'' ( at ang salita ay ginawang laman).
Bakit po ba hindi maaring ang Dios ang magkatawang tao? Sapagkat ang Dios ay hindi pumapayag na siya ay Dios at tao sa kalagayan;
Oseas 11:9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit."
At ang tao ay hindi pwedeng maging Diyos!
Ezekiel 28:9 Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo".
At ang Dios ay espiritu(Juan 4:24), ibig sabihin ay walang laman, dugo at buto na siyang taglay ng ating Panginoong Jesucristo;
Lucas 24:39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin".
Labag din ito sa aral ng Biblia sapagkat ang Diyos ay di magbabago ni may anino man ng pag-iiba:
Malakias 3:6 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Santiago, 1:17 - Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
Kaya kung ating tatanungin ang ating panginoong Jesucristo, ano po ba ang kanyang pagpapakilala sa kanyang sarili?
Juan, 8:40 - Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
Maging ang Panginoong Jesus ang nagsasabi na sya ay tao na nagsasaysay ng katotohanan na kanyang narinig sa Dios. Magkaiba po ang Dios na napakinggan ng Taong Si Cristo.
Napatunayan po natin na nagkamali ng pagkaunawa sa Juan 1:1,14 ang mga gumagamit ng talatang ito upang patunayan na ang panginoong Jesucristo diumano ay Diyos na nagkatawang tao. Labag sa aral ng Biblia ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao. Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwalang si Cristo ay Diyos na totoo at tao pang totoo. Ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos at ang Panginoong Jesucristo ay isinugo ng Diyos, ito po ang tamang pagkakilala sa Dios at kay Cristo na ikapagtatamo ng Buhay na walang hanggan:
Juan 17:1,3 (Salita ng Buhay)-
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."
Thanks.....