Thursday, December 24, 2015

Ang kahalagahan ng Pagsamba sa Dios



Ang kahalagahan ng Pagsamba sa Dios








Photo contributed by : Sis Ionah Aigneis Pascual Buenaflor 


Locale of Panducot, District of Bulacan South


Sa kabila ng mga kahirapan at ibat ibang pagsubok sa buhay na ito ay kapansin-pansin at ipinagtataka ng marami kung bakit ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay nakapagtatalaga pa rin sa mga pagsamba kahit na ang karamahihan sa nga kaanib nito ay mga mahihirap lamang. Sa panahon ngayon na laganap ang kahirapan dulot ng mga sakuna at kasamaan, papaanong payapa at buong siglang nakadadalo pa rin ang ang mga Iglesia ni Cristo sa mga araw ng pagsamba?

Bago pa man maging isang ganap na kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo ay tinuturuan muna ito ng mga aral na nakasalig sa bibliya na ito ang ipinatutupad sa loob ng Iglesia, kaya bago pa man nya tanggapin ang banal na bautismo o maging isang ganap na kaanib sa Igleisa ni Cristo ay lubos na syang sumasampalataya sa mga aral ng bibliya na ipinapatupad sa loob ng Iglesia ni Cristo na patuloy pa ring itinuturo sa mga araw ng pagsamba.

Isa sa mga aral na ipinaunawa sa amin ay ang tungkol sa kahalagahan ng pagsamba sa Dios. Ang pagsamba ay isang tungkulin ng lahat ng nilalang ng Dios na lumikha ng lahat ng bagay;

Awit 100:2-3 "Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan."

Lubos kaming sumasamapalataya na ang Ama ang dakilang manlalalang at tungkulin nating sambahin at paglingkuran Siya, ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay at nilalang ng Dios. Subalit hindi lahat ng tao ay kumikilala ng lubos sa ating panginoong Dios kaya itinakda sa kanila ang paghihiganti at parusa ng Dios;

2 Tesalonica 1:8-9 "Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan." 

Pansinin na binabanggit ng Bibliya na "maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios" ay hindi lamang tumutukoy sa mga taong hindi nakakikilala sa tunay na Dios o maging ang mga hindi tumatanggap sa DIos kundi pati na rin ang mga taong nakakakilala sa Diyos ngunit hindi niluluwalhati ang Diyos, sila rin ayon sa bibliya ay mga taong hindi nagsisitalima sa mga salita o evangelio ng ating Panginoong Jesus ;

Roma 1:21 "Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim"

Kung gayon, may mga tao na tinutukoy ang bibliya na kumikilala sa Dios subalit hindi naman lumuluwalhati sa Kanya. Parusa at paghihiganti ang ipagkakaloob ng Dios sa mga taong nagpapahayag ng pagkilala sa kaniya ngunit hindi naman nila Siya niluluwalhati. Isa sa mga paraan na itinuro ng Biblia upang makapagbigay luwalhati sa Diyos ay ang pagdalo sa pagsambang pagtitipon kaya hindi ito dapat na pabayaan ng maga tunay na lingkod ng Dios;

Hebreo 10:25-27 "At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon." Magandang Balita"

Dapat din nating malaman na hindi rin po lahat ng pagsamba ng tao sa Dios ay karapat- dapat o tinatanggap ng DIos sapagkat ang pagsamba ng iba ay hindi nakabatay sa kung ano ang ipinaguutos ng Dios sa halip ang kanilang sinusunod ay ang mga utos lamang ng tao o mga utos na hindi nakasalig sa banal na kasulatan;

Mateo, 15:9 - Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

At kahit pa buong pagmamalasakit ang gawing pagsamba ng tao sa Dios, kung ito naman ay hindi ayon sa kautusan o kalooban Niya, ay wala itong kapakinabangan sapagkat ang mga gayong paglilingkod ay pansariling kagustuhan lamang ang kanilang nasusunod at hindi kalooban ng DIos;

Mga Taga-Roma, 10:2-3 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios."

Mahalaga po na malaman muna ng tao ang kautusan o palatuntunan ng Dios bago siya magsagawa ng paglilingkod at pagsamba na gaya ng itinuturo noon ng bibliya;

Deuteronomio, 12:13- 14 Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita: Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo.

HIndi po basta na lang makapagsasagawa ang tao ng paglilingkod ng hindi ayon sa palatuntunan ng DIos, kaya alamin natin kung ano ba ang ipinag-uutos ng Dios sa tao upang maging kalugod lugod sa harap Niya ang ating gagawing paglilingkod, ganito ang nakasulat sa banal na kasulatan;

Mga Awit, 100:2-4 "Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan."

Ang sabi ng Dios ay dapat tayong magsipasok sa kanyang mga pintuang daan at doon tayo ay magpasalamat at magpuri sa Kanyang pangalan. Ano ang pintuang daan na tinutukoy ng Dios na dapat pasukan ng mga tao? Ating basahin ang isa pang talata na tumutukoy sa daan na kailangang pasukan ng tao.

Jeremias, 6:16 - Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa...

Ayon sa talata, ang daan na tinutukoy ng Diyos ay ang mabuting daan na ipinahahanap sa atin ng Dios upang doon ay magsipasok ang tao at makasumpong ng kapahingahan ang ating kaluluwa.

Tanungin natin ang Biblia kung saan naroon ang mabuting daan ?

Juan, 14:6 - Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Ang sabi ng ating Panginoong Hesukristo siya ang daan at katotohanan, samakatwid ang mabuting daan na kung saan ipinagutos ng Dios na dapat pasukan ng tao ay walang iba kundi ang atin mismong Panginoong Jesus, siya ang mabuting daan sapagkat ang sabi niya, siya ang tanging daan upang ang tao ay makarating sa piling ng Dios.

Ano naman ang ipinag uutos ng Panginoong Jesus sa mga tao upang ang tao ay maligtas.

Juan, 10:7;9 - Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.

Ang sabi ng Panginoong Hesukristo na Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. At ang mga tunay na sumusunod sa Kaniya ay kailangang pumasok sa Kaniya. Subalit alam nating hindi literal ang kahulugan nun, kaya alamin natin kung saan nga ba napaloob ang mga taong pumasok kay Jesus ? Ganito ang sagot sa isang salin ng Biblia sa parehong talata


English translation:

"I am the door, anyone who comes into the fold through me shall be safe." john 10:9 , New English Bible

sa filipino:

"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas"

Ang mga pumasok kay Jesus ay napaloob sa KAWAN NG MGA TUPA. Ang KAWAN ayon kay Apostol pablo ay ang Iglesia Ni Cristo: at ito ay nakasulat sa Gawa 20:28 ; sa salin ni Ginoong George Lamsa.

Gawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo"
[ Lamsa Translation]

Paano po ba pinatunayan ng Biblia na kalooban din mismo ng Dios ang pagpasok sa kawan na walang iba kundi ang Iglesia ni Cristo na syang tinubos ng dugo ng ating Panginoong Jesus. Ganito po ang paliwanag ng bibliya;

Mga Taga-Efeso, 1:9-10; 22-23 - "Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko, At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat."

Ang sabi ng Biblia , Ito ay kalooban at ipinasya mismo ng Dios na ang lahat ng mga bagay sa sangkalangitan ay tipunin sa Iglesia at si Cristo na pinagkaloobang niyang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesia na kanyang katawan.

Isa lamang ito sa mga katotohanang patuloy na itinataguyod sa loob ng Iglesia ni Cristo at ang mga katotohanang ding ito ang dahilan ng aming walang sawang pagtatalaga sa mga gawang pagsamba sa Dios sapagkat ito ay hinahanap ng Dios sa kanyang mga tunay na lingkod.

Juan, 4:23-24 "Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."

Ang mag tunay na lingkod ay ang mga sumunod sa utos ng Dios na pumasok sa mabuting daan na walang iba kundi ang ating panginoong Jesucristo. Ang Kawan o Iglesia ni Cristo na kinapapalooban ng mga taong pumasok sa pamamagitan ni Cristo ang siyang tinubos ng kanyang dugo. Kaya anoman ang maging kalagayan ng mundo, dumanas man kami ng maraming pagsubok at pag uusig at mga kapighatian, kami ay hindi tatalikod sa mga gawang paglilingkod sa Dios, sapagkat lubos kaming sumasampalataya na ang aming mga pagsamba ay hindi walang kabuluhan sa harap ng Dios, ito ang aming pag asa sa ikapag tatamo ng buhay na walang hanggan at habang naglalakbay pa kami sa mundong ito ay sa pagsamba lamang ipinagkakaloob ng Dios ang kanyang pagpapala at pagtulong sa panahon ng mga kahirapan.

2 Cronica 20:9 "Ang sabi nila’y kung darating sa kanila ang sakuna tulad ng pagdidigmaan, baha, pagkakamatay o taggutom, papasok sila sa Templong ito upang sumangguni sa iyo sapagkat narito ka, Yahweh. Tatawag sila sa iyo at iyong diringgin; sa panahon ng kanilang kagipita’y ililigtas mo sila." - Magandang Balita








1 comment:

  1. "They said, 'Whenever we are faced with any calamity such as war, plague, or famine, we can come to stand in your presence before this Temple where your name is honored. We can cry out to you to save us, and you will hear us and rescue us."
    -2 Chronicles 20:9-

    ReplyDelete