Kapansin pansin ang laganap na kasamaan at katampalasanan sa daigdig.
Ano po kaya ang isa sa dahilan kung bakit ang tao sa daigdig na ito ay nasasadlak sa kasamaan.
Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa. Nagmamadali kayong gumawa ng masama at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masama ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at kasiraan.
Isaias 59:4, 7 ASND
Ang tao po ang dapat na sisihin sa kasamaan na laganap sa mundo ngayon sapagkat ito ang pinili nila, ang magpakasama.
Ano po ang lalong ipinasya ng Diyos tungkol sa mga taong naglilingkod diumano subalit hindi naman sinusunod ang Kaniyang kalooban?
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak, sa mga taong ayaw umibig sa katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. Dahil ayaw nilang tanggapin ang katotohanan, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10-12 MBB05
Hahayaan na ng Diyos na malinlang ang tao ng espiritu ng kamalian sapagkat ayaw nilang tanggapin ang katotohanan.
Paano po ba nagagawa ng tao na talikuran at palitan ng kasinungalingan ang katotohanan ng hindi nya namamalayan.
Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.
Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang.
Mga Taga-Roma 1:25;23 MBB05
Ano po kaya ang tawag ng bibliya sa mga larawan na sinasamba ng tao?
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
Exodo 20:3-5 TLAB
Ang tawag po sa kanila ay diyos-diyusan.
Bakit naman po kaya may mga taong kahit marurunong ay lumalabas pa rin na mangmang sa harap ng ating Panginoong Diyos?
Kahit na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang.
Mga Taga-Roma 1:21-23 MBB05
May kinalaman po ba ang ginagawang pagsamba ng tao sa mga diyos-diyusan sa laganap na kasamaan ng daigdig ngayon?
Ipinapahayag ng Dios mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na siyang pumipigil sa kanila para malaman ang katotohanan tungkol sa Dios. At dahil sa ayaw talaga nilang kilalanin ang Dios, hinayaan niya sila sa kanilang kaisipang hindi makapili ng tama. Kaya ginagawa nila ang mga bagay na hindi nararapat. Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila. Silaʼy mga hangal, mga traydor, at walang awa.
Roma 1:18, 28-31 ASND
Napopoot po ang Diyos sa mga tao dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, sa halip ay sinamba nila ang mga larawan o mga diyos-diyusan. Kaya kung tayo po ay nahulog sa ganitong kamalian ay marapat po lamang na talikdan na natin ang pagsamba sa mga larawan o diyos-diyusan.
Saan po ba hahantong o ano ang mga sasapitin ng mga sumasamba sa mga diyos-diyusan?
Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”
Pahayag 21:8 ASND
Kung nais nating kilalanin at sambahin ang Diyos ay marapat lang na sundin natin ang paraan o kalooban mismo ng Diyos kaya naman itinuro ng ating Panginoong Jesucristo kung paano ang marapat na pagsamba sa Diyos.
Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap ng Ama. Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”
Juan 4:23-24 ASND
Paano po ang pagsamba sa espiritu ayon sa banal na kasulatan?
Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.
Mateo 6:9 MBB05
Ang pagsamba po sa espiritu ay ang pagsamba sa pangalan ng Diyos at hindi po sa pamamagitan ng larawan.
Alin naman po ang tinutukoy ng Bibliya na pagsamba sa katotohanan, ano po ba ang katotohanan.?
Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan.
Juan 17:17 MBB05
Nawa ay matutuhan po nating matanggap ang mga katotohanan na ito rin ang mga ng Diyos upang tayo po ay huwag mapahamak sa araw ng kaparusahan na itinalaga ng Diyos sa mga hindi kumikilala sa Kaniya.