Ang katotohanan tungkol sa kamatayan
Ang kamatayan ang pangunahing suliranin ng tao na hanggang ngayon ay pilit hinahanapan ng lunas, subalit nagpapatuloy pa ring bigo ang tao. Gusto man ng taong pigilin ang kamatayan, siya ay walang kapangyarihan dito ayon na mismo sa bibliya;
(Ecclesiastes 8:8) - Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya."
Ito ay darating saanman at kailanman-madalas ay bigla, masakit, at di-inaasahan. Walang pinipili ang kamatayan, mahirap man o mayaman o kahit ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay hindi makaiiwas sa kamatayan. Marahil dahil sa hindi malunasang suliraning ito kaya nagkaroon ng ibat ibang paniniwala ang tao tungkol sa kamatayan. Ang lima (5) sa pinakamalaking relihiyon sa buong mundo ay may magkakaibang paniniwala tungkol sa kamatayan at iba pang isyung nakapaloob dito:
Katolisismo.
Naniniwala ang mga Katoliko na ang katawan ay namamatay, ngunit ang kaluluwa ay namamalagi magpakailanman; at ang impyerno ay ang dako kung saan parurusahan ng walang katapusan ang makasalanan. Ang kaluluwa ng namatay na kinaawaan ay pupunta sa purgatoryo upang sumailalim sa paglilinis ng mga kapintasan at kasalanan upaang maihanda sa pagpasok sa langit. Kung gaano katindi at katagal ang parusa ay maaaring mabawasan ng mga kaibigan at pamilya, kung sila ay magsisigawa ng mga misa at panalangin at iba pang gawa ng kabanalan at debosyon (http://library.thinkquest.org/16665/afterlifeframe.htm/8/27/2010 ).
Judaismo.
Sa Judaismo, ang kamatayan ay hindi isang trahedya kundi isang natural na proseso. Katulad ng buhay, ito ay may kahulugan at bahagi ng plano ng Diyos. Naninindigan din ang Judaismo sa buhay na darating. Ang kanilang ginagawa sa pagluluksa ay malawak at ito ay upang ipahayag ang paggalang sa namatay at sa mga naulila. Isinasagawa rin sa Judaismo ang mga panalangin sa patay (http://www.jewfaq.org/death.htm/8/20/2010 ).
Islam.
Itinuturo naman ng Islam ang pamamalagi ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Ang mga mandirigma na namatay sa pakikipaglaban dahil sa pananampalataya ay kaagad dinadala sa piling ng Diyos. At ang mga "kaaway ng Islam" ay kaagad namang hinahatulan ng kaparusahan sa inpyerno kapag sila ay namatay (http://www.religionfacts.com/islam/beliefs.htm/8/20/2010 ).
Hinduismo.
Ayon sa Hinduismo, ang tao pagkamatay ay sasailalim sa maraming incarnations bago magtamo ng kaligtasan. Gayundin, ang pagtakas sa walang katapusang pag-inog ng pagsilang, kamatayan, at muling pagsilang ang siyang maghahatid sa tao sa kaligtasan (http://library.thinkquest.org/16665/afterlifeframe.htm/8/27/2010 ).
Budismo.
Sa Budismo, ang kamatayan ay hindi wakas ng buhay kundi ng katawan na ating tinatahanan sa mundong ito. Mamamalagi ang espiritu at ito ay maghahanap ng makakapitang bagong katawan at buhay. Saan man ito magaganap ay resulta ng nakaraan at pagsama-sama ng positibo at negatibong gawa at ang resultang karma ay dahilan ng mga nakalipas na mga gawa. Ito ang maghahatid sa isang tao upang muling ipanganak sa iba't ibang realms batay na rin sa bigat ng kaniyang nakaraang gawa (http://www.urbanharma.org/udharma5/viewdeath.html/8/20/2010 )
Sa mga nabanggit na paniniwala tungkol sa kamatayan ng tao alin kaya dito ang totoo? Sa paghahanap ng katotohanan ay hindi natin maiiwasan na gamitin ang banal na kasulatan sapagkat sa Bibliya nakasulat ang mga salita ng Dios , at ang salita ng Dios ay katotohanan;
Juan 17:17 - Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
Dapat muna nating malaman kung ano ang mga sangkap na bumubuo sa tao at ito ay tinukoy ng bibliya ;
"1 Mga Taga-Tesalonica, 5:23 - At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo."
Maliwanag na tatlo lang ang sangkap na bumubuo sa tao , ang katawan, kaluluwa at espiritu kaya hindi totoo ang paniniwala ng iba na ang espiritu at kaluluwa ay iisa ,sapagkat hiwalay po itong binanggit sa talata at ito ay nilinaw ng bibliya na dumarating ang panahon ng naghihiwalay ang dalawang sangkap na ito;
"Hebreo, 4:12 - Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso."
Ngayong alam na natin ang mga sangkap na bumubuo sa tao, alamin po natin kung ano ang nangyayari sa mga ito kapag dumating na sa tao ang kamatayan.
1. Ang Katawan
Ang pisikal na katawan ng tao ay nagbabalik sa alabok kung saan ito nagmula:
(Gen. 3:19)"Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi"
2. Ang kaluluwa
Ang kaluluwa ayon sa bibliya ay namamatay;
"Ezekiel, 18:4 - Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay."
Kapag namatay ang tao ay namamatay din ang kaniyang kaluluwa, sapagkat ang katawan at kaluluwa ay magkadikit;
"Mga Awit, 44:25 - Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa."
At sapagkat ang kaluluwa ang syang may taglay ng buhay:
"Genesis, 2:7 - At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay."
Kaya taliwas sa itinuturo ng Biblia ang paniniwala na ang kaluluwa ng taong namatay ay mamamalaging buhay o pupunta sa isa sa tatlong istasyon-sa langit, kung banal; sa impyreno, kung makasalanan; o sa purgatoryo, kung hindi pa nalilinis na lubos sa kasalanan. Wala ring itinuturo ang Biblia tungkol sa purgatoryo at reincarnation .
3. Ang Espiritu
Kapag ang tao ay namatay ang kanyang espiritu o diwa ay bumabalik sa Diyos na nagbigay nito
Filipino translation:
(Ang Mangangral, 12:7) - "At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya."
English translation;
Ecles. 12:7) "and the dust returneth to the earth as it was, and the spirit returneth unto God who gave it."
Ang isang taong namatay ay nawawalan ng pag-iisip, dahil ang diwa o espiritu ay bumabalik sa Dios na nagbigay nito. Ang espiritu o diwa ng tao ang siya nating pag-iisip, pandama, ito ang dahilan kaya tayo nasasaktan, nalulumbay, natutuwa, umiibig at namumuhi. Ang pagdarasal patungkol sa patay ay walang mapakikinabangan, anuman ang ginagawa ng buhay para sa patay sapagkat wala na silang malay o pag-iisip;
"Mga Awit, 146:4 - Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip."
Gaano man kataimtim at kadalas ang pagdarasal ng tao para sa mga patay dahil sa kanilang paniniwalang makatutulong ito sa kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay ay hindi ito mapakikinabangan sapagkat gaya ng pinatutunayan ng Bibliya ,ang kaluluwa ay kasamang namamatay ng katawan at hindi na nalalaman ng patay ang anumang bagay na ginagawa para sa kanila;
(Ecles. 9:5-6) "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw."
Ito ang dahilan kaya walang padasal o panalangin na isinasagawa ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo para sa pumanaw na mahal nila sa buhay ,ito ay hindi ayon sa Biblia. Labag din sa aral ng Biblia ang paniniwala na ang patay ay nagpapakita, nakakausap, at nagpaparamdam. Karumaldumal din sa harap ng Dios ang makipag-ugnayan o sumangguni sa mga patay;
"Deuteronomio, 18:10 - Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
"Deuteronomio, 18:11 - O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay.
Deuteronomio, 18:12 - Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo."
Kaya iwasan po natin ang pagsangguni doon sa mga tinatawag na medium na nagsasagawa nung tinatawag na séance – “pakikipagusap sa patay”, Kung meron mang ilan na may karanasan sa pagpapakita ng kanilang mga kaanak na yumao na....Nakatitiyak ba tayo na yun nga ay ang mga mahal natin sa buhay? Ayon na rin sa Bibliya sino ba ang nagsisilabas mula sa libingan?
" Mateo, 8:28 - At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon."
Samakatwid ang mga demonyo ang lumalabas sa mga libingan upang linlangin ang mga tao. Dapat nating malaman na ang Diablo ay makapangyarihan din at kaya nyang linlangin at ipahamak ang mga tao.
"(Apocalypsis 13:13-14 )“At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop ;..."
Paano ang paniniwala ng mga Katoliko na kapag ang isang tao ay banal o isang Santo, siya ay nasa langit na? Kumuha po tayo ng halimbawa sa Bibliya na isang taong banal na namatay subalit hindi pa nakarating sa langit.
" Mga Gawa, 2:29 - Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
Mga Gawa, 2:34 - Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko,"
Maliwanag na ipinakita sa atin ng Biblia na si Haring David ay hindi umakyat sa langit. Ano po bang uring tao si David? Ganito ang pagpapakilala niya:
"Mga Awit, 86:2 - Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo."
Ayon kay haring David siya’y banal sa madaling salita isa siyang Santo - kung pagbabatayan ang paniniwalang Katoliko, subalit maliwanag na sinasabi ng Biblia na hindi umakyat si haring David sa langit. Kaya hindi totoo na komo’t banal o isang Santo ay aakyat na sa langit. Subalit hindi naman natin maikakaiala na mayroon nang mga tao sa langit ngayon sa kasalukuyan, pero hindi kasali dun si haring David. Sino ang mga taong iyon? Ilan at sino lamang ba ang taong kasalukuyang nasa langit ngayon? Narito at ating malalaman ngayon ang mga taong nasa langit hanggang sa kasalukuyan: Sila ay sina ENOC, Propeta ELIAS, at ang ating Panginoong JESUCRISTO:
Umakyat si Enoc sa Langit sa pamamagitan ng pagkuha sa kaniya ng Diyos:
Genesis, 5:24 - At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.
(Hebreo 11:5 )“Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat
upang huwag niyang makita ang
kamatayan; at hindi siya nasumpungan,
sapagka't siya'y inilipat ng Dios : sapagka't
bago siya inilipat ay pinatotohanan sa
kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:”
Si Propeta Elias naman ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng isang karong apoy na itinaas sa langit sa pamamagitan ng isang ipo-ipo:
2 Mga Hari, 2:11 - At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
At ang ating Panginoong Jesucristo, na iniakyat sa mga alapaap:
" Mga Gawa, 1:8 - Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
Mga Gawa, 1:9 - At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin."
Ang mga taong nabanggit ay umakyat sa langit ng buong-buo – taglay nila ang kanilang kaluluwa, espiritu at katawan. Sila lamang tatlo ang kasalukuyang nasa langit ngayon. Walang sinasabi ang Biblia tungkol sa mga aral ng ibang mga paniniwala na mga taong umakyat din sa langit gaya ni Birheng Maria na pinaniniwalaan ng mga Katolikong nasa langit din ngayon. Walang purgatorio, at wala ring binabanggit na may pinarurusahan na sa Impiyerno.Maliwanag din na ating nakita sa Biblia kanina pa na ang kaluluwa ng tao ay hindi humihiwalay sa kaniyang katawan, samakatuwid kung saan nalibing ang katawan ng isang tao nandoroon din ang kaniyang kaluluwa at ang espiritu o diwa ng tao ay bumabalik sa Dios. Kung wala ngayon ang mga taong patay sa langit o impiyerno nasaan sila? At kailan sila pupunta sa langit o di kaya’y hahatulan sa impiyerno? May binabanggit po ang bibliya kung hanggang kailan mananatili ang mga patay sa kanilang mga libingan;
"Job, 14:10 - Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
Job, 14:11 - Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
Job, 14:12 - Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog."
Ang tao ay mananatili sa kaniyang libingan hanggang sa panahon na ang langit ay mawala at ang pagkawala ng langit na tinutukoy ng bibliya ay magaganap sa araw ng paghuhukom na siya ring muling pagparito ng Panginoong Jesus:
2 Pedro, 3:7 - Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
2 Pedro, 3:10 - Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog."
Ang paghuhukom na ito rin ang pagparito ng panginoong Hesukristo ang siya ring panahon ng pagkabuhay na mag uli ng mga patay at sa panahon pa lamang ng paghuhukom malalaman ang hatol sa kanila;
"Juan, 5:25 - Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
Juan, 5:28 - Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
Juan, 5:29 - At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
Paano pa inilarawan ng Biblia ang mangyayaring pagkabuhay na mag-uli sa araw ng paghuhukom?
'"Pahayag, 20:12 - At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
Pahayag, 20:13 - At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
Pahayag, 20:14 - At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
Ang paghuhukom na siyang ikalawang kamatayan ang siyang kaparusahan sa mga taong masama subalit ang mga taong kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo ay ginarantiyahan nya na hindi pananaigan ng kamatayan;
Mateo, 16:18 - At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Sapagkat ito lamang ang tinubos nya na kanyang dugo:
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni cristo na binili niya ng kaniyang dugo" Gawa 20:28, Lamsa Translation
Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang pinangakuan ni Cristo na hindi pananaigan ng kamatayan. Hindi ito nangangahulugang hindi na sila mamamatay; papanaw din sila katulad ng kanilang kapuwa-tao. Subalit, mabugto man ang kanilang hininga, gayunman ay bubuhayin silang mag-uli sa Araw ng Paghuhukom, hindi upang hatulan, kundi upang magmana ng buhay na walang hangaan (I Tes. 4:16-17; Apoc. 20:6). Sa gayon, matutupad ang nasusulat sa banal na kasulatan, napagtagumpayan ng mga ito ang kamatayan sapagkat wala ng kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan.
"1 Mga Taga-Corinto, 15:51 - Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,
1 Mga Taga-Corinto, 15:52 - Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
1 Mga Taga-Corinto, 15:53 - Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
1 Mga Taga-Corinto, 15:54 - Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan."
Bagamat sa kabila ng mga katotohanang ito ay may ilan pa ring hindi pinaniniwalan ang araw ng paghuhukom. Paano ba tiniyak ng Bibliya ang magaganap na araw ng paghuhukom?
"Hebreo, 9:27 - At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;"
Kung paanong itinakda sa tao ang mamatay o ang kamatayan ay ganoon din itinakda ang paghuhukom. Dapat nating maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagaganap ay dahil sa pagpapahinuhod ng Dios dahil ang gusto nya hanggat maaari ang lahat ng tao ay magsisi at maligtas:
"2 Pedro, 3:9 - Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "
Ibig ng Dios na ang lahat ng tao ay maligtas at magsisi kaya kailangang malaman ng tao ang mga katotohanan o salita ng Dios upang sila ay makapagsisi sa kanilang mga kasalanan at maling paniniwala. Ito ay ilan lamang sa mga katotohanan na walang sawang ibinabahagi ng Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng mga malalaking pamamahayag ng mga salita ng Dios, ginagawa namin ito hindi lamang dahil sinusunod namin ang utos ng Dios na ipalaganap ang kanyang mga salita kundi bilang pagmamalasakit sa aming kapwa upang kayo man ay makaalam din ng katotohanan at maligtas.
Psalms 40:10 "I have not kept the news of salvation to myself; I have always spoken of your faithfulness and help. In the assembly of all your people I have not been silent about your loyalty and constant love." [Good News Bible]......... To know more about the Iglesia ni Cristo please visit our official websites; http://incmedia.org/_ http://iglesianicristo.net/_ http://iglesianicristo.net/inctv/_ http://iglesianicristo.net/incradio/_ http://iglesianicristo.net/kabayankokapatidko/
Sunday, October 11, 2015
Ang katotohanan tungkol sa kamatayan
Subscribe to:
Posts (Atom)